Nakakainis lang talaga, ayoko na ng ganito. Hindi ko pa din kinakain yung mga sinabi ko noon, eto pa rin ako. Medyo nakausad na ako, ramdam ko naman 'yun pero may 10% pa rin sa tingin ko. Tulad nga ng sinabi ko, never atang magiging 0% 'yun. Kahit anong mangyari, may matitirang 1% o ano. Well, ganon talaga, ewan ko paano. Hindi na nga ako nagbilang nung June ** eh, ibig sabihin nakakalimutan ko na nga talaga 'yung essence ng date na 'yun para sa akin. Pero nung naalala ko 'yung date, wala, naalala ko ulit magbilang. Pero at least diba, noon kasi basta **, pagkagising na pagkagising ko alam ko na kung pang-ilang month na.
Hindi talaga pana 'yun eh, kundi torpedo. Bakit ba kasi sobrang lakas?!?! Utang na loob, natulog lang ako tapos ganito na nangyari? 'Yung totoo, Wattpad story lang ang peg? Natulog lang ako... tapos nagtagal hanggang 15? Kahapon nga, gusto ko sanang hanapin 'yung diary kong naging active lang nung June-August. Wala lang, gusto ko lang mabasa ulit 'yung mga nangyari last year. Ayaw nga lang magpakita sa akin, hindi ko makitaaaa. Oh well, sana lang makita ko siya before August 1, puro masaklap na laman nun after that date. Nga pala... 'yung nangyari sa August 1 ay 'yung pinagbasehan ko sa nangyari sa Chapter 12 ng DBN. Ssh lang kayo, alam ko 'yung date na 'yan by heart kasi may ginawa 'yung section namin niyan. Kung binasa niyo 'yung Chapter 12, alam niyo kung anong meron sa araw na 'yun na related sa section namin, syempre iniba ko lang 'yung taong involved.
Speaking of Wattpad... tagal ko nang hindi nagagalaw 'yun ah. Buhay pa ako, guys! Masaya na nga lang ako kasi kahit inactive ako, nadadagdagan pa rin 'yung mga followers ko at may mga nagbabasa pa rin ng mga stories ko. Busy kasi ngayon sa college life, kaya naka-hiatus muna ako. Babalikan ko rin 'yan, swear. Hindi pwedeng hindi ko tatapusin 'yung WAYB, tapos uulitin ko 'yung FY kung may extra time ako. Summer of 3rd year nung sinulat ko 'yun eh, edi suuuuper newbie palang ako sa pagsusulat niyan. Kulang sa laman 'yung FY eh, feeling ko ang babaw niya. Wala masyadong drama, walang comedy.... basta mababaw. Babalikan ko talaga mga stories ko! DBN at DBNK lang 'yung matino doon eh, dagdag mo nalang 'yung WAYB 'pag natapos ko na.

Dahil sa natulog ako.... nakagawa ko account ko sa Wattpad. HAHAHAHA. Seryoso, ako lang ata makaka-gets nito, unless nalang kung nakwento ko na sa inyo. ^o^