*ABOUT ME*
Sa Wattpad, ako si SuperGirlWearsPants
Sa totoong buhay, matatawag n'yo akong Isha. :3
Tawagin n'yo na rin akong SuperGirl, kung gusto n'yo.
Wala akong superpowers, ni wala nga akong costume eh.
Oh, kayo na bahala kung anong tatawag n'yo sa akin ha? Basta, ako si Supergirl, at ililigtas ko kayo sa inyong boredom! Uwaaa~! Hmm, ordinaryo lang naman akong babaeng nangangarap, umiibig, nasasaktan, naloloka at kung ano-ano pa! Basta, random lang ako. Mula pa yata noong Grade 3 ako, basta early elementary years ko pa 'yun, mahilig na akong magsulat ng mga kwento. Nagsimula ako sa Wattpad noong third year high school ako, kumbaga medyo baguhan palang ako doon. Kaya, pagbigyan n'yo ako ah? Hihihi. Nahilig nga yata talaga ako sa pagsusulat dahil doon ako nakakapaglabas ng nararamdaman, hindi kasi ako ganoong ka-expressive sa personal.
Siya naman ang Superman ko, pero siya din naman ang kryptonite ko. Ayos diba? Hahahaha! Hoy, di kami incest ah, 'yung sa comics lang naman 'yung magpinsan eh! Bakit, sinabi ko bang magpinsan at may superpowers kaming dalawa? Wala ah! Ah basta, kung sino man siya, kung kilala niyo siya o hindi, para sa kanya ang lahat ng mga sinusulat kong kwento dito.
Maraming salamat pala sa pagbisita sa site ko, pati na rin ang pagbabasa ng mga storya ko! Pasensya nalang kung minsan boring, walang kwenta, corny at bitin 'yung mga stories ko - laking pasasalamat ko nalang dahil patuloy niyo pa rin akong sinusuportahan. Promise, gagawin ko talaga ang lahat ng makakaya ko para mapaganda pa ang stories ko para sa inyo. ^___^v